Sara: Cebu meeting, tungkol lang na maitutulong ng HNP kay BBM

Nilinaw ni Davao City mayor Sara Duterte-Carpio na ang kanyang pulong kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Cebu, ay nakasentro lang sa kung papaanu makakatulong ang kanyang local party na Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Davao region sa kandidatura nito.

Paninindigan ni Duterte-Carpio, wala siyang plano na tumakbo pagkapangulo ng bansa.

Hindi naman binanggit ng alkalde ang iba pang usapin na kanilang tinalakay sa pulong.

Ang pahayag ni Sara ay kasunod na magkita ang dalawang partido sa Cebu para ipagdiwang ang kaarawan ni Tingong Party-list Representative Yedda Marie Romualdez.

Sa gitna nito, may mga espekulasyon na ang nakababatang Duterte ay ang magiging running mate ni Bongbong, pero nananatiling tikom ang bibig ng mga ito.//MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *