Sara, Go, Isko, Pacquiao, at Bongbong, choices ni Duterte bilang successor

Pinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga options na i-endorso bilang susunod na pangulo ng Pilipinas.

Kabilang sa mga ito ay ang anak na Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ang kanyang long time-aide-turned Senator Christopher “Bong” Go, Senator Manny Pacquiao, Manila City Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso, at dating senator Bongbong Marcos, Malacañang said Thursday.

Paglilinaw ni presidential spokesperson Harry Roque, hindi pa ito ang pinal na desisyon ng pangulo, sa halip ay bahagi lang ng kanyang mga nakikitang may pag-asa.

Sinabi rin ni Roque, na bagama’t kasama si Inday Sara sa mga options ni Duterte ay hindi parin umano ito pabor na tatakbo ang kanyang anak bilang presidente sa 2021 elections.

Sa kabila nito, nakatutok parin ngayon ang punong ehekutibo sa pagtugon sa COVID-19 pandemic sa bansa, lalo na ang pagbabakuna sa mga Pilipino. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *