Sasakyan na iniuugnay sa pagkawala ni Jovelyn Galleno, iniimbestigahan ng PNP

Binibirepika pa umano ng pulisya ang sasakyan na iniuugnay ngayon sa pagkawala ng 22 anyos na si Jovelyn Galleno.

Ito umano ang dahilan kung bakit hindi muna maglalabas ng iba pang impormasyon ang awtoridad sa deskripsyon ng sasakyan, ayon kay CPT. VICTORIA CARMEN C. IQUIN, tagapag-salita ng City Police Office.

Ang sasakyan na isang Sedan ay pinagsususpetsahan na maaring sinakyan ni Jovelyn matapos na lumabas sa mall noong August 5, 2022.

Kaugnay nito, kakalap pa ng ibang angulo na kukumpirma kung ang naturang sasakyan ang mismong sinakyan ng dalaga dahil umano sa “blind spot”.

Samantala, may iba pang mga anggulo ng CCTV galing sa Robinsons Mall ang masusi ngayong tinitignan at benibiripika ng mga imbestigator.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *