Local News

Satellite registration ng COMELEC, malaking tulong sa pagdami ng botanteng nagpaparehistro

Malaki umano ang naitutulong ng satellite registration ng Commission on Election sa pagtaas ng bilang ng mga indibidwal na nagpaparehistro sa lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Atty. Manuel Castillo Jr., ang Isabela Provincial Election Supervisor, base sa mga report ng election officer sa mga bayan at siyudad sa lalawigan ay mas marami umano ang pumupuntang nagpaparehistro sa mga scheduled satellite registration na isinasagawa sa mga barangay.

Aniya, kinakailangan umanong magkaroon ng satellite registration ang bawat bayan o syudad dalawang beses sa isang linggo kung saan isasagwa ito tuwing araw ng Sabado at isang beses sa weekdays.

Dagdag pa ni Atty. Castillo, hindi umano nakakamit ng COMELEC ang target na nakapagrehistro dahil na rin sa limitado ang paglabas ng mga tao ngayong panahon ng pandemya.

Hinikayat niya ang mga botante na samantalahin ang scheduled satellite registration sa mga barangay upang magparehistro at makaboto sa nalalapit na 2022 National and Local Election.

Huwag na aniyang hintayin pa ang buwan ng Agosto o Setyembre kung saan maaring hindi na maaakomoda lahat ng mga opisina ng COMELEC ang pagdagsa ng botante dahil sa patuloy pa ring pagsunod sa minimum health standard lalo na aniya ang mass gathering at social distancing.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

7 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

7 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

7 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

7 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

7 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

8 hours ago