Satellite Registration sa mga barangay sa Cauayan City, Nagsimula na – COMELEC Cauayan

Nagsimula na noong May 10, 2021 ang satellite registration ng Commission on election Cauayan City sa mga barangay sa lunsod.

Ang naturang satellite registration ay magtatagal sa September 30,2021 Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Election Officer Efigenia Marquez ng COMELEC-Cauayan, tatlong barangay na sa lunsod ang nagpa-schedule sa kanilang tanggapan upang isagawa ang satellite registration.

Kaugnay dito, naka-schedule bukas May 28,2021 ang Brgy. Baculod kung saan magtutungo rin rito ang mga residente ng Brgy. Disimuray na gustong magparegister.

Habang sa May 29,2021 naman ay magsasagawa ang COMELEC ng satellite registration sa Brgy. Cabugao.

Ayon pa kay Election Officer Marquez, 2 beses lamang sa isang linggo magkakaroon ng satellite registration kung saan itinakda na ang araw ng Sabado para rito.

Samantala, sa mga barangay pa na gustong magpa-schedule ay tiyakin lamang na walang magpopositibo 14 days bago ang itinakdang schedule at kinakailangan dn aniya ng certificate mula sa DOH na nagpapatunay dito upang maiwasan ang local transmission ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *