Saunders, nagtamo ng maraming fractures sa Canelo-fight

Ibinunyag ng promoter ni dating WBO world super middleweight world champion na si Billy Saunders na nagpapagaling ito ngayon mula sa multiple orbital bone fractures.

Ito ay matapos makalaban ni Saunders ang pound-for-pound king na si Sau “Canelo” Alvarez.

Sinabi ng promoter na si Eddie Hearn na kinailangan ni Saunders na sumailalim sa surgery.

Kung maalala ay hindi na nakaalis mula sa kanyang corner ang 31-anyos na si Saunders sa simula ng ika-siyam na round na dahilan para makamit ng Mexican superstar ang panalo via eight-round technical knoclout.

Dahil sa panalo ni Alvarez ay nagawa nitong ma-unify ang WBC, WBA, at WBO world titles para sa 168 pounds.

Samantala, target naman ngayon na makamit ni Alvarez ang nawawalang piraso mula sa kanyang koleksyon, ang IBF world super middleweight world title na kasalukuyang hawak ngayon ni Caleb Plant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *