SB19 Josh, kinokonsiderang pumasok sa larangan ng acting

Dahil sa sunud-sunod na tagumpay na natatamasa niya ngayon sa kanyang music career, tinanong si Josh Cullen ng SB19 kung handa na rin ba siyang sumabak sa acting.

Inamin naman nito na marami ng lumalapit sa kanyang production companies at nag-ooffer ngunit wala raw siyang interes dito noon dahil hindi naman niya pinangarap maging artista at umakting sa mga pelikula at teleserye.

Aniya, sapat na sa kanya ang mag-perform  sa pamamagitan ng pagkanta at pagsayaw, lalo na’t dito siya unang nakilala.

Ngunit sa ngayon, kinokonsidera niya na ring pumasok sa pag-arte dahil nais niyang kumawala sa kanyang comfort zone at sumubok ng iba’t ibang bagay sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *