Editors Pick

SC, naglabas ng writ of amparo at protection order para sa mga pastor ng UCCP at dating barangay captain

Naglabas ang Supreme Court ng writ of amparo at temporary protection order pabor sa dalawang pastor ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) at sa dating barangay captain.

Sa limang pahinang desisyon, pinagbawalan ng Kataas-taasang Hukuman ang mga respondents na pumunta sa loob ng one-kilometer radius ang Batangas UCCP pastors at mag-asawang Edwin Egar at Julieta Egar, dating barangay captain Ronald Ramos, at nang kanilang immediate family.

Matatandaan na noong Nobyembre, naghain ang tatlo ng writ of amparo sa Supreme Court dahil sa umano’y red-tagging ng mga miyembro ng Philippine Army.

Pinangalanan bilang mga respondents sina Armed Forces of the Philippines chief Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro, Philippine Army commanding general Lieutenant General Romeo Brawner, at 2nd Infantry Division commander Major General Roberto Capulong.

Kasama rin sa mga respondents sina 59th Infantry Battalion commander Lieutenant Colonel Ernesto Teneza Jr., Sergeant Ronald Dalo, Sergeant John Granpil, Private First Class Borge Ebol, Roy Dela Peña, at Bong Samela, at iba pa.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago