Senador: magsuot ng face mask upang maiwasan ang pertussis

Binigyang-diin ni Senate Committee on Health, Chairperson, Senador Christopher “Bong” Go na importanteng maging alerto ang publiko at maging ang gobyerno sa pagtugon sa pertussis o whooping cough outbreak sa bansa.

Ito ay matapos ang pagdeklara ng Quezon City ng outbreak nito sa kanilang lungsod at maging pagtaas ng kaso nito sa Pasig City.

Kaugnay nito, hinikayat ni Go ang lahat na magkaisa at maging proactive sa pagpapalaganap ng impormasyon at pagtitiyak na may sapat na gamot para sa lahat.

Alinsunod nito, hinimok din ng senador ang publiko na boluntaryong magsuot ng facemask sa mga pampublikong lugar upang maiwasan ang paglobo ng kaso nito sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *