School facilities na matindi ang sira, prayoridad sa mga repair – DepEd-Sorsogon

SORSOGON CITY – ‘’Depende sa pangangailangan at kalagayan ng pasilidad.’’

Ito ang pinagbabatayan ng DepEd Province kung anong paraalan ang kanilang isasaprayoridad para sa pag-aayos o repair.

Sa pahayag sa Brigada News ni DepEd Province Schools Division Superintendent Jose “Toots” Doncillio, sinabi nito na dahil talagang kulang at hindi naman sasapat ang ibinababang pondo ng pamahalaan para sa mga repair ng mga school facilities partikular ng mga classrooms, kung kaya kailangan nilang magtakda ng mga priorities.

Ibig sabihin binibigyang prayoridad nila ang repair ng mga pasilidad na talagang matindi ang sira at kailangan na ang agarang pag-aayos. Sa huli sinabi ng opisyal, sa ganito umanong mga pagkakataon lubhang napakahalaga ng tulong at papel na ginagampanan ng kanilang mga stakeholders.

PHOTO: Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *