Schools division office ng Legazpi City, nilinaw na walang kinalaman sa pag-move ng Nat’l teacher’s day sa Sabado ang P1M mula sa LGU

LEGAZPI CITY – Nagpalabas ang Legazpi City Schools Division Office (SDO) ng memorandum para sa pag-adjust ng aktibidad sa pagdiriwang ng National and World Teachers Day sa darating na Sabado, Oktubre 8, 2022 upang mabigyan ng pagkakataon ang komite na matapos ang paghahanda ng venue at iba pang kailangan upang maging matagumpay ito.

Ayon kay Dr. Santi Araña, tagapagsalita ng Legazpi SDO, walang kinalaman ang P1M ibinigay ng city government ng Legazpi sa pag-move nito sa ibang araw.

Aniya, taun-taon naman nagbibigay ng pondo ang lokal na pamahalaan upang gamitin sa nasabing pagdiriwang.

Gagamitin lamang ang pera para sa aktibidad at hindi sa anumang walang kinalaman sa nabanggit na pagdiriwang.

Aminado ang opisina na kulang ang pondo sa aktibidad kung kaya’t nagsulat ito sa LGU para sa provision of budget na gagamitin sa incentives at papremyo ng mga dadalo.

Dagdag pa nito, aabot sa P1.6M ang kanilang request sa LGU subalit P1M lamang ang inaprubahan nito.

Tiniyak ng opisyal na ang perang ibibigay bilang pondo ay gagamitin lamang para sa aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *