SCPH, private hospitals kulang na sa mga nurses, healthworkers – Gov. Tamayo

KORONADAL CITY- KINAKAPOS na ng mga nurses at mga medical workers ang mga private hospitals sa lalawigan ng South Cotabato.

Ito ang inihayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr matapos na nagsilipatan na ang karamihan sa mga ito sa Soccsksargen General Hospital o SGH.
Ayon sa gobernador na may ospital at klinika na na nagpaplanong magsara dahil sa kakulangan ng manpower.

Maging ang South Cotabato Provincial Hospital (SCPH)ay kinakapos na rin ng mga nurses at healthworkers.

Inihayag ni Tamayo na ito ay nagpapakita lamang na tama ang kanyang desisyon noon na hindi muna iturn-over sa Department of Health o DOH ang SGH sa gitna ng COVID 19 pandemic dahil inaasahan na nito na maraming health workers ang magsisilipatan sa SGH at mawawalan ang mga private hospitals at provincial hospital.

Kung nagkataon, posible aniyang marami ang namatay na mga COVID 19 patients sa lalawigan.
Samantala, sinagot naman ng gobernador ang mga komento na ang rason ng pag-resign at paglipat sa SGH ng karamihan sa mga healthworkers ay dahil sa mababa at palaging delayed na sahod sa SCPH.
Paliwanag ni Tamayo na may salary grade na sinusunod ang pamahalaang panlalawigan sa kung magkano lang ang dapat sweldo ng isang empleyado.

Ang delay naman sa sahod ayon sa gobernador ay dahil sa kulang na mga dokumento at rekisitos para sa payroll katulad ng Daily Time Record o DTR dahilan kung bakit naaantala ang processing at releasing ng sweldo ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *