SDO Cauayan City, tiniyak ang kahandaan sa full face-to-face classess

Tiniyak ng Schools Division Office of Cauayan City na handang handa na ang mga paaralan sa lunsod sa implementasyon ng full face-to-face classes sa November 2, 2022.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay SDS Dr. Alfredo Gumaru Jr., sa ngayon ay mayroong 23 na paaralan at limang secondary schools ang nagsasagawa ng transition ng full face-to-face classes.

Ito umano ay upang matukoy pa ang mga problema na maaaring kaharapin ng mga mag-aaral sa darating na nobyembre upang agaran itong matugunan.

Karamihan umano sa mga nagsasagawa nito ay mga paaralan sa mga baryo dahil double shifting pa lamang ang sinusunod ng mga paaralan sa poblacion area.

Dagdag pa ni Dr. Gumaru, mayroon nang 30 local school board na karagdagang guro upang matugunan ang kakulangan sa mga guro sa lunsod.

Bukod dito, upang mapunan naman ang kakulangan sa mga classroom ay ginawang aksyon ng mga school heads ang paggamit sa mga Gymnasiumat Conference hall para sa mga mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *