Sean Chambers, pinangalanan bilang bagong head coach ng FEU

Pinangalan ng Far Eastern University men’s basketball team si Sean Chambers bilang bagong head coach ng koponan sa UAAP Season 87.

Kilala bilang import si Chambers na namayagpag ang karera sa basketball sa PBA.

Papalitan nito ang dating FEU Tamarraws coach na si Denok Miranda.

Dumating ang pagtatalaga ni Chambers bilang Tamaraws coach matapos bigong makamit ng koponan ang spot sa Final Four sa huling dalawang edisyon ng UAAP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *