Search and retrieval ops sa Masara landslide, nagtapos na

Natapos na ang search and retrieval operations sa Masara landslide sa Maco, Davao de Oro kahapon, batay sa assessment ng Incident Management Team (IMT).

Mula sa pagguho ng lupa noong Pebrero 6, kabuuang 93 na bangkay ang narekober, habang 8 katao ang nawawala.

Iniulat ng IMT na wala na silang nakitang bangkay sa ground zero simula noong Linggo.

Nilinaw din nila na ilan sa dating bilang na 98 nakuhang bangkay ay may mga nakasamang bahagi ng katawan, kaya’t ibinaba nila ito sa 93.

79 sa mga ito ay nai-turnover na; habang mayoron pa ring 14 na mga unidentified.

Ayon naman sa Mawab Municipal Information Office – target nilang matapos ang clearing bukas, araw ng Sabado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *