Seguridad at katahimikan sa limang natitira pang malakihang parada ngayong linggo sa Naga City mas pinaghahandaan ng City Government

NAGA CITY – Mas pinaghahandaan ngayon ng kanya kanyang komitiba at department heads ng City Hall ang lima pang malalaking parada sa Naga City kaugnay sa pagdiriwang ng Peñafrancia Fiesta, ngayong taon.

Sa darating na September 13, araw ng Miyerkules gaganapin ang Scouts Parade and DXMC Competition at 1st Naga City Inter-School Mass Dance Competition, mula umaga hanggang hapon.

Civic and Float Parade at Peñafrancia Voyadores Festival Street and Pilgrims Dance Compertition, September 14, sa araw ng Huwebes, maghapon din.

Ang hinihintay na 13TH Bicol Regional Military Parade naman sa araw ng Biyernes.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni City Mayor Nelson Legacion ang mga komitiba na in-charge sa ganitong malakihang okasyon, dahil sa matagumpay na mga aktibidad sa naunang mga programa tulad ng Miss Bicolandia, sa ginanap ding Regional Majorettes DBC and Band Exhibition, kahapon pati na rin sa nangyaring Traslacion Procession.

Bukod diyan ay ang mga personahe ng Phil National Police, barangay officials at mga barangay tanod, pati na rin ang mga medical personnel.            

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *