Seguridad ng mga byahero sa Bicol Central Station, tinitiyak ng pamunuan; pagdagsa ng mga ito, hindi inaasahan

NAGA CITY –  Bagaman nakasanayan na ang dagsa ng mga pasaherong umuuwi mula Metro Manila sa probinsya ng Camarines Sur ngayong semana santa at summer vacation, nilinaw ng pamunuan ng Bicol Central Station sa pangunguna ni Jenrylis Bolocon, security officer, na hindi nila inaasahan ang pagdagsa ng mga byahero ngayon kun’di sa uwian pa ng mga ito pagkatapos ng bakasyon.

Ayon kay Bolocon, hindi gaanong naiipon ang mga pasahero sa terminal dahil sa daan pa lamang ay bumababa  na ang  mga ito o di kaya naman pagdating sa terminal ay sumasakay agad pauwi sa kanilang destinasyon. Kaugnay nito nagpaalala naman ang opisyal sa mga uuwing byahero na kung  maaari ay iwasan na ang pagdadala ng maraming bagahe o kaya bantayan ang mga ito nang mabuti.

Samantala, binigyang diin naman ng opisyal na nakaalerto na ang kanilang mga personahe maging ang kalapit na himpilan ng pulisya para sa seguridad ng mga byahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *