Seguridad ng mga estudyante at mga guro , tiniyak ng isang Punong Barangay sa Naga City

NAGA CITY –Anim na oras na nagroronda at visible sa mga paaralan, unibersidad at mga opisina ang mga barangay tanod ng Barangay Peñafrancia, sa Naga City para matiyak na ligtas sa kapahamakan ang publiko kabilang na ang mga estudyante,

mga guro at mga empleyado sa kanilang pag-uwi lalo na sa gabi.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Peñafrancia Punong Barangay Jackie Villafuerte bilang pagbibigay nila ng seguridad sa lugar na kung saan isa sa tinaguriang “university belt” sa lungsod dahil sa ilang malalaking kolehiyo nakapaligid dito.

Aniya’y 24 na oras nilang nababantayan ang lugar nila at madaling ma-monitor ang mga kaganapan sa pamamagitan ng mga CCTV Camera sa paligid na malaking tulong kung may krimeng nagaganap.

Tutok din sila sa isyu ng illegal drugs sa kanilang barangay na pilit nilang nilalabanan at hinahanapan ng tamang solusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *