Seguridad sa mga tourist destinations sa Pasacao ngayon Holy Week at summer season, tiniyak ng pulisya

CAMARINES SURMas pinaigting pa ng PNP Pasacao, Camarines Sur ang seguridad at pagbabantay sa mga tourist destination sa bayan kaugnay ngayong holy week at summer season kung saan aasahan ang pagdagsa ng mga turistang bibisita upang magbakasyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMAJ. Allan Lopez, hepe ng nasabing himpilan, sinabi nitong nakadeploy na ang kanilang mga tauhan katuwang ang mga force multipliers upang masiguro ang seguridad ng turista na bibisita sa bayan, tanging problema na lang nila ay ang mga reblocking sa kalsada na inaayos pa rin hanggang ngayon.  

Ang bayan ng Pasacao ay tinaguriang Summer Capital sa probinsya ng Camarines Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *