Sektor ng agrikultura, nais tutukan ng Albay DRD ngayong lumalala ang sitwasyon ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Nais na matutukan ng Albay Provincial Disaster Response Desk (DRD) ang sektor ng agrikultura ngayong patuloy na lumalala ang sitwasyon ng Bulkang Mayon.

Sa isinagawang pagpupulong ng DRD kasama ang 11 working cluster na nilikha para sa pagtugon sa Mayon operations, sinabi ni APSEMO Chief Dr. Cedric Daep na sektor ng agrikultura ang ang isa sa pinakamaaapektuhan ng bulkan.

Ayon sa kanya, kailangang ma-monitor ang posibleng pagkalugi ng sektor na ito lalo na kung sakaling magkaroon ng pagputok.

Kung matatandaan, naging sentro na rin ng talakayan sa loss assessment ng DRD ang posibleng pinsala sa agrikultura.

Samnatala, pinag-aaralan na ngayon ang computation sa posibleng pinsala, kawalan o pagkalugi sa sektor lalo na kung magkaroon ng malalang ashfall o malakas na pagsabog ang bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *