Sekyu, sugatan matapos pagbabarilin sa Sariaya, Quezon

Sugatan ang isang sekyu sa Barangay Sampaloc 2, Sariaya, Quezon nitong Sabado, Pebrero 24.

Ayon sa police report, nagmamaneho umano noon ng motorsiklo ang biktimang si alyas “Elioterio”, 54-anyos, nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang mga suspek na nasa kanyang likuran.

Nagtamo ng tama ng bala sa likuran ang biktima kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Samantala, narekober rin sa crime scene ang mga basyo ng bala mula sa Caliber 45.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo nito sa pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *