Self-confessed gunman sa Percy Lapid case – hinatulan ng 8-16 taong pagkakakulong

Sinentensiyahan ng walong taon hanggang 16 na taong pagkaakulong si Joel Escorial – ang self-confessed gunman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon sa kapatid nitong si Roy Mabasa, inilabas ang desisyon ngayong araw ng Las Piñas City RTC Branch 254.

Mananatili naman umano si Escorial sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) habang gumugulong pa ang pagdinig sa kaso ng iba pa niyang kapwa-akusado.

Maaalalang sumuko si Escorial, ilang araw matapos patayin si Lapid.

Ang kuwento niya – nagmula raw sa loob ng Bilibid ang order para i-assassinate ang broadcaster.

Sa ngayon, pinaghahanap pa rin ang ‘di umano’y mastermind sa krimen na si dating BuCor chief Gerald Bantag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *