Semana Santa sa Camarines Sur, generally peaceful -PNP

CAMARINES SUR – Naging mapayapa ang paggunita ng Semana Santa 2024  sa Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma sa media ni PMAJ Victoria Abalaing, tagapagpahayag ng Camarines Sur Police Provincial Office. Kahit na nga nakapagtala sila ng mahigit 40 na  vehicular accident kung saan karamihan sa mga ito ay naganap sa Maharlika Highway, itinuturing nilang mapayapa ang naging pag-obserba sa mga mahal na araw dahil sa kawalan ng insidente ng nakawan, mga gulo at away.

Anya’y napakalaking tulong ang pagkakaroon ng mahigpit na implementasyon ng maximum deployment at full alert status ng kapulisan sa pamamagitan ng police assistance desk at paglilibot sa area upang maiwasan ang mga ganitong insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *