Sen. Angara – inihalintulad ang araw-araw na pa-presscon ng Kamara sa pambu-bully

Pabirong hinalintulad ni Senador Sonny Angara ang Kongreso sa mga bully sa eskuwelahan.

Ito ay matapos ang tila araw-araw umano na pagpapa-presscon ng mga ito upang patutsadahan sila.

Maalala, kamakailan ay hinamon ni Congressman Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang Senado na ilabas ang kanilang posisyon hinggil sa Charter Change.

Kung saan ito naman ay agad ding inalmahan ng mga senador dahil nasa proseso pa umano sila sa pakikinig sa iba’t ibamg resource person at masyado pang maaga para magsalita.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *