Sen. Angara, may paraang ginagawa raw ang gobyerno upang maiwasan ang pagtaas ng inflation

Binigyang-diin ni Senate Committee on Finance, Senator Sonny Angara na nasa 6.2% ang inaasahang inflation rate ng mga tagapangasiwa sa pagtatapos ng taon.

Kaugnay nito, kinwestyon ni Senate Minority Leader, Senator Koko Pimentel si Angara kung ano ang possibleng mangyari kung tataas pa mula rito ang inflation.

Bilang tugon, sinabi ni Angara na hindi man ito magandang pakinggan ngunit mas makatutulong umano ito sa pagkakaroon ng mas malaking kita.

Kaugnay nito, tiniyak ni Angara na hindi ito ang “intended result” at mayroon ng ilang prosesong ginagawa ang gobyerno upang maiwasan ito.

Ilan nga sa mga ito ay ang pagkakaroon ng tamang oras ng importasyon upang mapunan ang kakulangan sa mga supply, pagbabantay sa mga kaso ng African Swine Fever (ASF), pagsasaayos ng mga ksalukuyang Kadiwa Market at fast tracking ng mga distribusyon ng subsidiya sa mga magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *