Sen. Bato dela Rosa – ‘di rin pabor sa isinusulong na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas

Naniniwala si Senador Ronald Bato Dela Rosa na walang sinuman ang gustong maghi-hiwalay ang bansa.

Ito ay matapos ang naging mungkahi ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang One Mindanao.

Kung saan sa ilalim nito ay ihihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas.

Ayon kay Bato, ayaw naman niyang kumuha pa ng visa para lang makabisita sa mga apo niya sa Batangas.

Dagdag pa niya, kung sakali mang itulak ito ay marapat na dumaan ito sa legal plan at hindi puwersahan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *