Sen. Dela Rosa, nanindigang ‘di siya magagamit ni FPRRD para patalsikin si Pangulong Marcos

‘Never akong magagamit’

‘yan ang bwelta ni dating Philippine National Police (PNP) chief Senador Ronald Bato Dela Rosa sa pahayag ni dating senador Antonio Trillanes IV na isa siya sa mga aktibong pulis na kinausap upang i-plot ang pagpapatalsik sa Pangulo.

Anya, ‘rightist’ siya kung kaya’t ayaw niyang masira ang kasalukuyang administrasyon.

Dagdag pa niya, kung ‘destabilizer’ si Trillanes ay ‘stabilizer’ naman siya dahil gusto niya ng stable na gobyerno upang hindi masira ang pamumuhay ng bawat mamamayang Pilipino.

Pasaring pa niya, kung si Trillanes umano ay nagpapagamit sa political party nito noon upang siraan ang administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte ay ibahin siya nito.

Maalala, kamakailan ay naglabas ng panibagong impormasyon si Trillanes na mayroon umanong nagaganap na pag-plot sa pagpapatalsik sa Pangulo upang mapalitan ito ni FPRRD o di kaya ng anak nitong si Vice President Sara Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *