Sen. Ejercito – nanawagang respetuhin ang naging hatol ng Sandiganbayan

Naniniwala si Senador JV Ejercito na bagamat hindi perpekto ang justice system sa bansa ay malaki ang naitutulong nito sa pagpapanatili ng batas at kaayusan.

Ayon kay Ejercito, sa pamamagitan din nito ay napoprotektahan ang karapatan ng bawat isa.

Kaugnay nito, nanawagan ang senador sa publiko na respetuhin ang inilabas na desisyon ng Sandiganbayan kaugnay sa plunder case ng kanyang kapatid na si Sen. Jinggoy Estrada.

Samantala, tiwala naman umano si Ejercito na gagawin lahat ng kampo ni Estrada ang paghahain ng “legal remedies” upang maabswelto rito.

Matatandaan, pinawalang bisa ng Sandiganbayan 5th Division ang kasong plunder case pero iginiit na guilty sa direct at indirect bribery si Sen. Estrada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *