Sen. Estrada, iaapela ang hatol sa kanya ng Sandiganbayan

Malaking tagumpay kung ituring ni Sen. Jinggoy Estrada ang pakaka-abswelto sa kanya sa kasong plunder dahil lumitaw na hindi alam ni Estrada na ghost project o peke pala ang NGO project ni Janet Lim Napoles na pinaglaanan ng Senador ng kanyang priority development assistant fund.

Ayon sa Korte ang chief of staff ng Senador ang may direktang ugnayan kay Napoles.

Ang plunder ay ang pagkamal ng isang public officials mula sa pera ng gobyerno na hindi baba sa 50 milyon pesos.

Na-abswelto man sa ibang akusasyon hinatulang guilty pa rin si Estrada sa 1 count of direct bribery o panunuhol na may sintensyang 8 hanggang 9 na buwang pagkakakulong at P3 milyong multa.

Sa 2 counts of indirect bribery na may kabuuang anim na taong pagkakakulong.

Nanindigan si Estrada na iaapela niya ang dalawang hatol ng Sandiganbayan.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri mananatiling Senador pa rin si Estrada habang hindi pa pinal ang desisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *