Sen. Imee: Peoples initiative, ‘dead-on-arrival’ na

Naniniwala si Senator Imee Marcos na wala ng kahahantungan pa ang mga isinasagawang People’s Initiative (PI).

Sa panayam ng Brigada News FM Manila sa Senadora, sinabi nito na bago pa man umupo sa si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang posisyon ay nagpag-uusapan na ito at sinabing hindi pa napapanahon.

Dagdag ni Sen. Marcos, may ibang prayoridad si PBBM at hindi rin aniya maganda na nagkakaroon ng suhulan sa usapin ng PI na kung tutuusin ay ang batas ng bansa ang pinag-uusapan dito.

Giit pa ng naturang Senador, marami pang kukwestiyunin sa proseso ng People’s Initiative lalo’t walang batas na nagtatakda dito kung kaya marami-rami pang pag-aaral ang dapat gawin bago ito kilalanin.

Kung maalala, sa isang press conference inamin ni Senate President Migz Zubiri na nag-usap sila ni Pangulong Marcos at House Speaker Martin Romualdez patungkol sa PI at Constituent Assembly bilang paraan sa pag-amienda sa konstitusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *