Editors Pick

Sen. Marcos, pinuna ang pagiging no-show ng BoC sa hearing kaugnay sa mataas na presyo ng sibuyas

Pinuna ni Sen. Imee Marcos ang Bureau of Customs (BoC) matapos na hindi sumipot sa pagdinig Senate committee on agriculture ang head nito.

Mababatid na si Assistant Commissioner Vincent Maronilla lang ang naging kinatawan ng BoC sa harap ng ginagawang imbestigasyon ng komite kaugnay sa mataas na presyo ng sibuyas sa bansa.

Ayon kay Maronilla, hindi nakadalo si BoC Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa hearing, dahil nagpunta ito sa coordination meeting kasunod ng pagkakahuli ng isang vessel na may lamang asukal sa Batangas.

Matatandaan na kahit bago pa man suspendihin ng komite ang naturang pagdinig, nagpaalala ang naturang senadora sa BoC na tiyaking makakadalo ang Commissioner sa susunod na pagdinig ng Senado.

BNFM Makati

Recent Posts

Pinay Racer na si Bianca Bustamante, napasama sa podium sa F1 Academy

Nakasungkit agad ng podium finish ang Filipina racer na si Bianca Bustamante matapos nitong pumangalawa…

1 hour ago

South Korea, nakapagtala ng pinakamainit na panahon sa buwan ng Abril

Naranasan ng South Korea ang pinakamainit nitong temperatura ngayong Abril, ayon yan sa state weather…

1 hour ago

Guro na kinopya ang thesis ng kanyang estudyante, humingi na ng tawad

Nagpublic apology ang isang guro sa isang paaralan sa Southern Mindanao matapos niyang aminin na…

1 hour ago

Mga naglalakihang artista agaw eksena sa MET GALA 2024

Agaw eksena ang mga naglalakihang celebrity sa kanilang pagdalo sa taunang MET GALA sa New…

1 hour ago

Pagsungkit ng mas maraming medalya target ng Camarines Norte sa Palarong Pambansa

CAMARINES NORTE - Target ng Camarines Norte na makapag ambag ng mas maraming medalya para…

1 hour ago

Primewater nanawagan sa publiko na magtipid sa tubig sa gitna ng nararanasang epekto ng El Niño

CAMARINES NORTE - Nanawagan ang Primewater Infrastructure Corporation sa publiko na magtipid sa tubig sa…

2 hours ago