Sen. Marcos, pinuna ang pagiging no-show ng BoC sa hearing kaugnay sa mataas na presyo ng sibuyas

Pinuna ni Sen. Imee Marcos ang Bureau of Customs (BoC) matapos na hindi sumipot sa pagdinig Senate committee on agriculture ang head nito.

Mababatid na si Assistant Commissioner Vincent Maronilla lang ang naging kinatawan ng BoC sa harap ng ginagawang imbestigasyon ng komite kaugnay sa mataas na presyo ng sibuyas sa bansa.

Ayon kay Maronilla, hindi nakadalo si BoC Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa hearing, dahil nagpunta ito sa coordination meeting kasunod ng pagkakahuli ng isang vessel na may lamang asukal sa Batangas.

Matatandaan na kahit bago pa man suspendihin ng komite ang naturang pagdinig, nagpaalala ang naturang senadora sa BoC na tiyaking makakadalo ang Commissioner sa susunod na pagdinig ng Senado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *