Sen. Robin Padilla – itinulak ang pagsalin sa Filipino ng Maharlika Bill

Itinutulak ni Sen. Robinhood Padilla na magkaroon ng pagsasalin sa Filipino ng panukalang Maharlika Investment Fund Act.

Ayon kay Padilla layon nito na matiyak na nauunawaan ng mga ordinaryong mamamayan ang laman ng kontrobersiyal na MIF.

Ginawa ng mambabatas ang hakbang matapos na makapasa sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Maharlika Investment Fund Act pati na ang ilang pag-amyenda dito.

Binigyan-diin ni Padilla na marami ang nagpro-protesta sa panukala subalit nang tanungin ay marami umano ang nagsasabi hindi naman nila naiintindahan ang proposed bill.

Ipinunto rin ng senador na sa Sec. 6, Art. XVI ng 1987 Constitution, ang pamahalaan ay gagawa ng hakbang para gamitin ang Filipino bilang “medium of official communication and as language of instruction in the educational system.” //LB, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *