Sen. Win Gatchalian, pinamamadali ang pagsasabatas ng mental health programs

Naniniwala si Senate Committee on Basic Education Chairperson, Senador Win Gatchalian na kailangan ng madaliin ang pagsasabatas ng Senate Bill 2200 o Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act.

Ito ay matapos ang pagkamatay ng dalawang estudyanteng girl scouts sa Signal Village National High School.

Ayon kay Gatchalian, ang nasabing insidente ay nagpapakita lamang ng mental health crisis sa mga paaralan.

Kung kaya’t marapat lang umanong maitulak ang pagkakaroon ng mga school-based mental health program.

Samantala, kasalukuyan ng nasa bicameral conference ang pagtalakay dito.

Kung maisasabatas kase ito ay magiging mandatory ang pagkakaroon ng mga care centers sa mga pampubliko at pribadong paaralan na siyang makatutulong naman pagpapabuti ng mental health ng mga mag-aaral.

Maliban pa roon, bubuo rin ng bagong mga plantilla positions para sa mga mental health specialist at mental health associates upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante.

READ MORE:

Dalawang estudyante — natagpuang patay sa loob ng isang paaralan sa Taguig

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *