Sen. Zubiri, isinusulong ang hakbang na ‘No more facemask’ 

Inirekumenda ni Sen. Migz Zubiri na mag-luwag na sa pagsusuot ng facemask sa outdoor at non-grounded area, matapos ang sunod-sunod na naitatalang mababang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ayon kay Zubiri, malayo na ang Pilipinas sa Covid-19 kaya kung maaari ay yung may mga ubo at sipon na lang ang gagamit ng facemask.

Samantala, nanawagan naman ang senador sa mga dadalo ng State of the Nation Address (SONA) na kung makakaranas man ng masamang pakiramdam ay mas mabuting mag-self isolate na lamang at huwag nang dumalo sa naturang event.

Dagdag pa niya, hindi na manghihingi ang senado ng RT-PCR at antigen test para sa mga dadalo ng SONA, pero pagdating sa Kamara – kinakailangan pa ring magpakita ng vaccination card bilang bahagi ng safety protocol sa mga dadalo sa SONA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *