Senado, aprubado na sa ikatlong pagbasa ang panukala vs online child sexual abuse

Aprubado na ng Senado sa ikatlong pagbasa ang panukala na humihiling para palakasin ang protesksyon sa mga kabataan laban sa online sexual abuse at exploitation.

Kaugnay nito, 23 senador ang bomoto pabor sa Senate Bill No. 2209 o ang panukalang Special Protections against Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) Law.

Giit ni Sen. Risa Hontiveros, ang ating mga anak, o ang mga bata ang puso ng panukalang batas na ito, kung saan sila ang nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa lipunan.

Sa ilalim ng panukala, binibigyan ang mga law enforcers ng “additional tools” para hanapin ang mga perpetrators ng OSAEC, lalo na ang mga nagtatago sa likod ng kanilang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng online platforms.

Ipinapatupad rin dito ang karagdagang trabaho sa internet intermediaries, kabilang na ang social media platforms, gaya ng pag-block at pagtanggal ng child sexual abuse o exploitation material sa loob ng 24 na oras mula sa pagkatanggap ng notice, preservation ng mga ebidensya sa kanilang posisyon, at development at adoption ng systems at procedures para mapigilan, maharang, ma-detect at mai-report ang mga kaso ng OSAEC. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.