Senado, dapat na raw itigil ang pagdinig kaugnay ang PI – Kongresista

Iginiit ni House Majority Leader Mannix Dalipe sa Senado na wakasan na ang kanilang imbestigasyon sa umano’y bayaran sa mga botante para sa signature drive ng people’s initiative.

Ayon kay Dalipe, nakapagdesisyon na ang Commission on Elections (COMELEC) na suspindihin ang pagtanggap sa mga PI signatures, at sinabihan na rin umano ng tanggapan ang mga nagtutulak ng PI na i-retrieve na ang mga signature sheets mula sa mga local Comelec offices.

Maliban dito, sinabi ng mambabatas na tila nawawalan na ng interes ang mga senador sa pagdinig ni Senadora Imee Marcos dahil sa mababang attendance ng mga ito sa Davao City.

Sa halip na gawin ang Senate hearing, dapat aniyang magtulungan na lang para maipasa ang Resolution of Both Houses 6.

Sa kasalukuyan, abala ang Comelec sa paghahanda para sa mid-term elections sa susunod na taon – kaya wala umano itong panahon para sa plebisito para sa PI.

Ani Dalipe, nangangahulugan ito na ang people’s initiative ay nasa freezer muna – kaya ano pa raw kailangang imbestigahan ng Senado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *