Senado, ipaaaresto na si Quiboloy kung hindi pa rin makakatugon sa show cause order

Iginiit ni Senadora Risa Hontivero na maaari nang ipaaresto ng Senado si Apollo Quiboloy sakaling hindi ito tumugon sa inihain nilang show cause order.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Hontiveros na may apatnapu’t walong oras si Quiboloy o hanggang Biyernes na magpaliwanag ng kanyang rason kung bakit hindi siya dapat arestuhin.

Samantala, kung hindi umano ito magagawa ni Quiboloy, o kung hindi katanggap-tanggap ang kanyang ibibigay ng rason ay maari nang bigyan ng instruksyon ni Senate President Migz Zubiri ang Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) na arestuhin ito.

Kung sakali naman ding dumating sa panahong magtago ito at hindi mahanap ng OSAA ay maghihingi na umano ng tulong ang Senado sa Philippine National Police (PNP) para sa pag-aresto rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *