Senado, mag-iisyu ng subpoena sa PCSO para ma-extract ang mga impormasyon

Nilinaw ni Senador Raffy Tulfo na bagamat hindi niya sinasabing mandaraya ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay kailangan pa rin nilang masilip ang mga detalye sa mga nanalo sa lotto.

Ito ay upang matiyak na balanse ang mga impormasyong mayroon ang PCSO sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Kaugnay nito, inutusan ni Tulfo si BIR representative, Atty. Ralbert Tibayan na gumawa ng written letter katulad ng nabanggit ni Atty. Leah Christine Jimenez.

Maliban pa roon, pinag-iisyu na rin ng senador ang komite ng subpoena para mailabas at mai-extract na ang mga kinakailangang data mula sa PCSO.

Samantala, iminungkahi naman ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center, Representative, Drex Laggui na maari silang makatulong kasama ang DICT sa pagbibigay ng standard na secure gaming system upang mapabilis sa susunod ang pag-a-audit ng BIR sa PCSO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *