Pilipinas, nagpadala na ng note verbale sa China re: ‘forced retrieval’ ng rocket debris sa WPS

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na pormal nang nagpadala ng note verbale ang Gobyerno ng Pilipinas sa China.

Ito ay hinggil sa napaulat na puwersahang pag-recover ng Chinese Coast Guard ng kanilang rocket debris sa West Philippine Sea.

Sa isang panayam, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na umaksyon na ang ating Gobyerno para maresolba ang isyu.

Sa ilalim ng note verbale, pagpapaliwanagin ang China hinggil sa umano’y forced retrieval ng kanilang debris malapit sa Pag-asa Island.

Pinalilinaw din ng Pilipinas kung bakit nagkaiba ang paliwanag ng Philippine Navy at ng China sa insidente.

Matatandaaang una nang dumipensa ang Chinese Embassy at nanindigang nagkaroon ng ‘friendly consultation’ sa pagitan ng mga tropa ng Pilipinas at China.

Samantala, sinabi ni Manalo na umaasa siyang magkakaroon ng magandang resulta ang nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Bongbong Marcos at Chinese President Xi Jinping sa susunod na taon.

Kabilang aniya sa inaasahang matatalakay sa meeting ay ang pagpapabilis sa pagbalangkas ng code of conduct sa mga pinagaagawang teritoryo sa South China Sea.
#

RELATED STORIES:

PH, magpapadala ng note verbale sa China re: ‘forced retrieval’ ng rocket debris sa WPS

US Vice President Kamala Harris, nanindigang dapat irespeto ang arbitral ruling na kumakampi sa Pilipinas sa West Philippine Sea

China, nilinaw na hindi sila kontra sa PH visit ni US VP Kamala Harris

NSA, magpapadala ng ‘note verbale’ sa China re: sapilitang retrieval ng rocket debris sa WPS

DFA, Navy, iniimbestigahan ang umano’y debris ‘forced-retrieval’ ng Chinese Coast Guard sa WPS

Pag-atake sa WPS, otomatikong magi-invoke sa US Mutal Defense treaty – US VP Harris

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *