Senado, tinapos na ang plenary debates para sa P5.268T 2023 national budget

Pormal nang ti-nerminate ng Senado ang mga plenary debates nito para sa ipinapanukalang P5.268Trillion national budget para sa taong 2023 sa ilalim ng General Appropriations Bill.

Natapos ang pagbusisi sa mga iba’t ibang tanggapan at Kagawaran ng Gobyerno sa loob ng dalawang linggo na marathon sessions na isinagawa ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Matapos nito, inaasahang isusulong na ng mga Senador ang committee at individual amendments sa GAB sa susunod na linggo.

Kasunod naman nito ay pagbabanggain na ang bersyon ng Senado sa bersyon ng Kamara sa pamamagitna ng bicameral conference.

Bago ito, una nang tiniyak ni Senate President Migz Zubiri na bago matapos ang Nobyembre ay mstapos na nila ang bersyon nila ng Budget.

Ito ay para matiyak na wala raw magiging reenacted budget para sa susunod na taon.

Alinsunod ito sa naging utos ni Pangulong Bongbong Marcos na pabilisin ang pag-apruba sa budget, matapos niyang i-‘certify as urgent’ ang 2023 General Appropriations Bill.
#

RELATED STORIES:

Bersyon ng Senado ng 2023 national budget, may mga social safety net sa gitna ng pagbangon ng ekonomiya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *