Win: Bersyon ng Senado ng 2023 national budget, may mga social safety net

May mga social safety net ang panukalang P5.268-trilyong national budget sa susunod na taon na naglalayong suportahan ang pagbangon ng ekonomiya sa gitna ng krisis na dulot ng Russia-Ukraine conflict at ang COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian, hangga’t nariyan ang conflict sa pagitan ng Russia at Ukraine, ang presyo ng krudo ay malamang na nasa $90 kada bariles sa susunod na taon at nakikita ang lokal na presyo na umabot sa P70-P90 kada litro.

Dahil rito, ilan sa mga kasalukuyang subsidiya na ibinibigay ng gobyerno para masugpo ang epekto ng dalawang krisis na ito ay ang para sa sektor ng transportasyon na tinatawag na Pantawid Pasada Program.

Ang bersyon ng Senado ng 2023 budget ay may kabuuang P110.61-bilyong alokasyon para sa 4Ps program habang ang Pantawid Pasada program ay may proposed budget na P5-bilyon.

Kabilang sa iba pang mga subdsidiya ang may kaugnayan sa electrification program ng Department of Energy (DOE) at National Electrification Administration (NEA), ang fuel at off grid electrification para sa mga rural areas, at ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF) para pondohan ang kuryente kooperatiba sa pagpapanumbalik ng mga linya na nasira ng mga bagyo at iba pang natural na kalamidad.
#

RELATED STORIES:

Senado, tinapos na ang plenary debates para sa P5.268T 2023 national budget

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *