Senador: exempted ang micro businesses sa panukalang P100 daily wage hike

Tiniyak ni Senador JV Ejercito na dumaan sa computation ang kanilang ipinanukalang P100 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ito ay matapos ang ilang agam-agam ng mga negosyante na baka maapektuhan sila.

Kaugnay nito, nilinaw din niyang exempted o hindi kasama ang mga micro business dito na mayroong sampu pababang empleyado at mayroong capital na hindi aabot ng tatlong milyon.

Dagdag pa niya, marapat lang na mas bigyang prayoridad ng Kongreso ang pagtalakay dito na siyang magbibigay ng benepisyo sa mga manggagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *