Senador – hinamon ang DOTr na maging transparent tungkol sa PUVM

Nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa Department of Transportation (DOTr) na maging transparent tungkol sa mga detalye ng Public Utility Vehicle Modernization (PUVM) na gagawin sa bansa.

Kaugnay nito, patuloy na hinihimok ni Pimentel ang DOTr na isapubliko kung saan kukuha o bibili ang bansa ng modern jeepney bilang pamalit sa mga tradisyonal.

Dagdag pa niya, marapat ding ipaalam ng mga ito kung sino ang tatayong middleman at contractor na siyang makakakuha ng pinakamalaking kita.

Maliban pa roon, inaasahan din umano ng senador na mababanggit ng nasabing ahensya kung sino ang orihinal na nakaisip ng PUVM na nagtutulak sa mga jeepney drivers na mangutang o sumali sa kooperatiba.

Samantala, umaasa naman din si Pimentel na magkakaroon ng bidding tungkol sa pagbili ng mga nasabing sasakyan bilang ang mga perang gagamitin dito ay mula sa pera ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *