Senador: hindi kailanman susuko ang Senado sa kanilang ipinaglalaban

“I’m sorry this is an insult, insulto ito!”

Ito ang mariing pahayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kaugnay sa ipinaabot na liham ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kay Senate President Migz Zubiri.

Ayon kay Villanueva, insulto sa pagkatao, pag-iisip at kakayahan ng bawat mamamayang Pilipino ang ginawa ng Kongreso kung kaya’t ito ang pinakarason ng kanilang pagkagalit.

Maliban pa roon, inihalintulad din niya sa pangangaliwa o pangangabit ng asawa ang ginawa ng Kongreso na siyang nakakadiri at isa talaga umanong insulto sa Senado.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Villanueva na hindi sila kailanman susuko sa Senado sa paglaban ng karapatan ng bawat Pilipinong pinagkatiwalaan sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *