Senador, hindi umano susuportahan ang anumang destabilization

Binigyang-diin ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Senador Ronald Bato Dela Rosa na isa siyang “rational being”.

Kaugnay nito, tiniyak niyang hindi niya kailanman susuportahan ang anumang destabilization plot laban sa administrasyong Marcos.

Ito ay matapos akusahan ni dating Senator Antonio Trillanes IV si dating pangulong Rodrigo Duterte na sinusuportahan nito ang ilang destabilization plot laban sa kasalukuyang administrasyon dahil sa pagiging threaten nito sa International Criminal Court (ICC).

Pagpapaliwanag ni Dela Rosa, kung gagawin niya ito ay hindi lang pamilya niya ang magiging kawawa ngunit maging ang mamamayang Pilipino.

Maalala, tiniyak din ni Dela Rosa na susuportahan niya pa rin ang gobyerno kahit na papasukin nito ang ICC sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *