Senador: kailangan nang humarap bukas ni Quiboloy sa Senado

Naniniwala si Senate Minority Leader Koko Pimentel na kailangan na rin talagang humarap bukas ni Apollo Quiboloy sa pagdinig ng komite ni Senadora Risa Hontiveros.

Ito ay matapos ang ilang beses na niyang pagliban sa mga naunang pagdinig.

Ayon kay Pimentel, totoong may kapangyarihan ang Senado na mag-subpoena sa sinumang indibidwal na ilang beses ng hindi sumipot sa kanilang pagdinig matapos ang ilang imbitasyon.

Ngunit sa kabila nito ay nilinaw niyang ‘discretion’ pa rin ng humahawak na komite kung ipapaaresto ito.

Pero pagpapaliwanag niya, ang pag-aresto sa mga ito tulad ng mga naunang kaso sa Senado ay hindi nangangahulugang ikukulong sila ngunit ihaharap lang ang mga ito sa pagdinig.

Maalala, kamakailan ay naghain na ng subpoena ang Senado kay Quiboloy upang obligahin itong humarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *