Senador: maging matipid sa paggamit ng kuryente ngayong holiday season

Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa publiko na maging masinop sa paggamit ng kuryente o enerhiya ngayong holiday season.

Ito ay alinsunod sa napipintong pagdating ng El Niño phenomenon sa susunod na taon.

Ayon kay Gatchalian, sa pamamagitan ng pagtitipid ng publiko ay matitiyak na magkakaroon ng sapat na kuryente ang bansa.

Dagdag pa niya, sa ilalim ng RA 11285 o Energy Efficiency and Conservation Act ay kailangang gawing institutionalized ang mahusay na paggamit sa mga energy sources.

Ito ay upang mapagaan ang epekto ng mataas na presyo ng enerhiya o kuryente sa lokal na merkado at maprotektahan ang kapaligiran ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *