Senador mariing kinondina ang pagpaslang sa Brigada Group executive

Mariing kinondena ni Sen. Sonny Angara ang pagpaslang kay Brigada Group of Companies chief of staff Yentez Quintoy.

Sa inilabas na statement ni Angara ang naturang pangyayari laban sa mga kawani sa industriya ng media ay wala umanong puwang sa isang demokratikong lipunan.

Kasabay nito nanawagan din ang senador sa pamunuan ng pambansang pulisya na magkaroon ng malalimang imbestigasyon upang mahuli ang mga salarin at maibigay ang hustisya sa pamilya ng biktima.

Nagpaabot rin ng pakikiramay si Angara sa mga naulila ni Quintoy pati na sa buong Brigada News FM family.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *