Senador, nais na ipatupad sa loob ng 1-2 taon lang ang panukalang mandatory ROTC

Nais ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na maipatupad sa loob ng isa hanggang dalawang taon ang panukalang pagbabalik sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program sa kolehiyo.

Ang mungkahi ni Dela Rosa ay less than five-year timeframe na naunang nabanggit ni Department of National Defense (DND) Sec. Carlito Galvez Jr.

Paliwanag ng senador na sakaling maging batas, ang lahat ng first year college students ay kukuha nito.

Giit ng mambabatas, na sakali mang pahahabain pa ang full implementation nito sa apat hanggang limang taon, ay maaring maantala ang graduation ng ilang mga estudyante. Sinabi naman ni Dela Rosa, na siyang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, na pina-fine-tune pa nila ang panukalang batas para matiyak ang proper implementation ng DND.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *